NAGPASAKLOLO ANG TEACHER 1 DAHIL SA HALOS ARAW-ARAW NA PAMAMAHIYA RAW NG SCHOOL PRINCIPAL

Naghain na ng pormal na reklamo si Teacher 1 Mary Hazel Austria ng El Nido National High School sa Palawan dahil sa naranasan na pamamahiya ng kanyang School Principal.

Ang araw-araw na pagalit sa kanya ng principal, nangyari noong Hulyo at Agosto sa harap ng kapwa niya guro at mga tao sa school canteen.

Ang hindi raw natiis ni Teacher Mary ay nang idinamay na ng principal pati ang kanyang anak na doon din nag-aaral.

“Sa palagay ko walang maglalakas ng loob na magsumbong takot lahat sa kanya (principal) ako rin takot sa kanya pero sa dami ng sama ng loob na binigay niya sa akin ‘di na ako matatakot magsabi kahit kanino…tulad dati ‘di ko sinasabi sa asawa ko ngayon ko lang nai-kwento sa kanya”, ayon kay Teacher Mary
 
Ikinalungkot naman ng National Association of Public Secondary School Heads Inc. (NAPSSHI) sa Palawan ang reklamo ng guro.

Sinikap ng Brigada News FM na kausapin ang inireklamong Principal ngunit hindi ito matawagan habang wala pang pahayag ang DepEd Palawan sa isyu.
SOURCE:👆