Matapos ang matagal na pakikibaka at pagtutulak para patuloy na taasan ang Teaching Supplies Allowance (o chalk allowance) ng mga guro, pasado na bilang batas ang "Kabalikat sa Pagtuturo Act" o ang batas na gagawing P10,000 ang kasalukuyang P5,000 na teaching supplies allowance ng kaguruan! 🥳😭

Sa dokumento, mababasa na iniimbitahan si ACT Teachers Rep. France Castro para sa Ceremonial Re-enactment ng pagsasabatas ng Kabalikat sa Pagtuturo Act. 

Ang batas na ito ay unang finile ng ACT Teachers Partylist noong 2011 at ipinaglaban ng ilang taon hanggang sa maging opisyal na batas na ito ngayon. Hindi natin maaabot ito kundi dahil sa tulong ng mga nagsama-samang guro na kumilos para ipaglaban ang kanilang sahod at benepisyo. Sa inyo ang tagumpay na ito, teachers! 


Latest update> BATAS NA!

Source: ACT NCR Union