Ayon sa isang Memorandum mula sa Office of the Undersecretary for Administration (OUA) na inilabas noong Hulyo 1, permanente, kontraktuwal, tauhan ng lokal na pamahalaan na nagtratrabaho sa ilaim ng mga paaralan ng DepEd, at mga opisina ay maaaring makatanggap ng sim cards.
“This is part of our commitment to deliver the promises of the Bayanihan 2 Act. Through the support of our President, our lawmakers, and our field offices, DepEd has ensured that our personnel and teachers can efficiently provide basic education services to our learners despite the situation,” ani Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones.
Ang Asset Management Division (AMD) ang mamamahagi ng mga sim cards sa tauhan ng DepEd Central Office, samantalang ang Regional Supply Officer naman ang mamahagi nito sa mga Rehiyon.
Bukod dito, naatasan naman ang Division Supply Officer na magbigay ng grants sa mga tauhan ng Schools Division Office (SDO) at Schools Property Custodians. Kasabay nito, sila rin ang maglalaan ng data allowance sa mga tauhan ng paaralan.
READ: TEACHERS' STEP-BY-STEP PROCESS FOR CLAIMING SIM CARDS WITH A LOAD OF 34 GB
Pinaalalahanan din ng Kagawaran sa magpapamahaging awtoridad na ipamahagi ang nasabing grant sa lahat ng teaching at non-teaching personnel hanggang sa Hulyo 23.
Lahat ng mga sim cards ay ia-activate na may inisyal na 34GB load, na maaaring gamitin sa loob ng isang taon. Ang mga Supply Officers at School Property Custodians ay ire-rehistro ang mga sim cards sa https://depedconnect.com.ph upang maglaan ng load para sa ikalawang buwan.
“The Department has procured the sim cards and connectivity load from our external partner for all the teaching and non-teaching personnel to ensure ease in communication and unhampered delivery of services amid the crisis,” pagbabahagi ni Pangalawang Kalihim Alain Del B. Pascua.
Makatatanggap ang DepEd-CALABARZON ng kabuuang 119,909 mga sim cards na may load connectivity para sa kanilang teaching at non-teaching personnel. Katulad nito, ang DepEd-Central Luzon ay makatatanggap din ng 101,616 na mga sim cards, at ang DepEd-National Capital Region ay makatatanggap ng 88,781 na mga sim cards.
Ang mga sim cards na hindi napamahagi sa mga paaralan at tauhan ng SDO sa pagtatapos ng Hulyo 2021 ay ibabalik sa Division Supply Officers para sa nararapat na accounting. Gayundin sa mga Regional Supply Officers para sa mga tauhan ng rehiyon.
Ang mga pagsisikap na ito ay pinangungunahan ng Information and Communications Technology Service sa pamumuno ni Director Abram Y.C. Abanil, sa ilalim ng Administration Strand na pinangungunahan ng Pangalawang Kalihim Alain Del B. Pascua at Katuwang na Kalihim Salvador Malana III. Ito ay parte ng Public Schools of the Future (PSOF) Framework ng Administration Strand sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Leonor Magtolis.
Source: DepEd Philippines
FREE TO DOWNLOAD:
0 Comments