Noong Pebrero 2021, humingi ng tulong si Kalihim Leonor Magtolis Briones sa Comelec sa pamamagitan ng pagpapahatid ng pormal na liham na nagsasaad ng panukala ng Kagawaran upang dagdagan ang honoraria ng mga teaching at non-teaching personnel na magsisilbi sa halalan dulot na rin sa sitwasyong pangkalusugan ng publiko.
“We want to express our gratitude to the Comelec for approving our request for higher compensation for our teachers that will render their services in the next year’s election. Given the current health situation, it is rightful for them to receive additional allowance,” ani Education Secretary Leonor Magtolis Briones.
Sa tugon ni Comelec Chairman Sheriff Abas noong Abril 29, sa pamamagitan ni Director Bartolome J. Sinocruz, Jr., sinuportahan nang buo ng Komisyon ang pagbabago sa honoraria na kung saan ay umabot sa P3,000.00 ang pagtaas.
Batay sa pinakabagong Consumer Price Index and Inflation Rate na inilabas noong January 2021, itinakda ng Kagawaran ang mga sumusunod na mga honoraria rates: P9,000.00 para sa Chairpersons; P8,000.00 para sa EB members; P7,000.00 para sa DepEd Supervisor Official (DESO); at P5,000.00 para sa Support Staff.
Bilang karagdagan sa bayad, isasama ng Comelec ang pagbibigay ng allowance pang transportasyon, pagkain at tubig, at mga gastusin sa paglilinis at pag-aayos/pagpapanatili bilang bahagi ng panukalang badyet para sa halalang 2022.
Sa kasalukuyang banta dala ng COVID-19, ang kahilingan ng DepEd para sa health insurance coverage para sa mga mahahawaan ng sakit ay magiging bahagi rin ng panukalang badyet. Ang iba pang mga benepisyo tulad ng on-site swab testing, shifting, at working hours ng mga pampublikong guro na miyembro ng EB, tax exemption, at ang absence/transfer/leave ng mga empleyado ng DepEd dahil sa mga insidenteng kaugnay sa halalan ay pag-aaralan ng Komisyon at ng Kagawaran.
Upang matiyak na mayroong teknikal at legal na kaalaman ang mga guro sa darating na halalan, naghain din ng panukala ang Kagawaran ng pagbuo ng Comelec-DepEd Monitoring and Coordination Teams bilang bahagi ng the 2022 DepEd Election Task Force na binubuo ng mga piling kawani at mga personnel mula sa iba’t ibang lebel ng pamamahala mula sa DepEd. Ayon sa Komisyon, ang honoraria ng mga miyembro ng Monitoring and Coordination Teams ay maisasama rin sa badyet.
"With DepEd and the teachers’ vital participation in the 2022 National and Local Elections, we will continue our dialogue with COMELEC to ensure the health and welfare of our teachers and personnel who will be sitting in the polling," pagbabahagi ni Briones.
Bago magkaroon ng pagpapasya, tinalakay ang paksa ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo at ni DepEd Pangalawang Kalihim sa Administrasyon Alain Del Pascua noong Pebrero 8 ng taong ito. Kinakalkula naman ng Bureau of Human Resources and Organizational Development (BHROD) ng DepEd ang pagtaas ng rate.
“While DepEd and COMELEC have both agreed on the proposal, the proposed increase will still need the approval of Congress when they deliberate the annual budget” ani Pangalawang Kalihim Pascua.
Source: DepEd Philippines
FREE TO DOWNLOAD:
0 Comments