Ginanap ngayong umaga (Hunyo 24,2021) ang diyalogo sa pagitan ng ACT, ACT Teachers Partylist, Department of Education at Civil Service Commission hinggil sa kahilingan ng ACT para sa service credit at 25% overtime pay para sa mga sobrang araw ng pagpapatrabaho sa mga guro ngayong school year. Ang diyalogo ay batay sa sulat-kahilingan ng ACT sa Deped noong March 30, at sa CSC noong Abril 8. Narito ang mahahalagang punto sa diyalogo:

1. Kinikilala ng DepEd at CSC na dapat bigyan ng kompensasyon ang mga guro sa labis-labis na araw ng trabaho ngayong school year (June 1, 2020 hanggang July 11, 2021)
2. Nagkomit ang DepEd na bibigyan ng service credit ang mga guro sa bawat araw ng labis na trabaho ng mga guro mula June 1, 2020 hanggang bago ang opisyal na pagbubukas ng klase noong Oktubre 5, 2020.
3. Maglalabas ang DepEd ng guidelines kaugnay dito sa lalong madaling panahon, kasama na ang pagtatanggal ng 15-day limit sa pagbibigay ng service credit para maisakatuparan ang kompensasyon sa overtime ng guro.
4. Sa ilalabas na guidelines, tanging ang mga dokumento na isinumite ng implementing unit (school o dision) para sa payroll ng mga guro noong June 1 hanggang bago mag October 5 ang hihilingin na rekisito para maibigay ang service credit.
5. Umaayon ang DepEd at CSC na batay sa batas ay dapat magbigay ng 25% premium bilang overtime pay sa mga araw ng labis na trabaho. Makikipagdiyalogo ang DepEd sa Department of Budget and Management para mapondohan ito.
6. Umaayon din ang DepEd at CSC na karapatan ng mga guro na ma-monetize ang kanilang service credits sa bawat taon, gaya ng natatamasang monetization ng leave credits ng lahat ng kawani sa pamahalaan. Kailangan buuin ng DepEd ang ulat kung ilang guro ang nais magmonetize at idulog ito sa DBM para sa budget.
7. Hindi pa makapagsalita ang DepEd hinggil sa Proportional Vacation Pay, at guidelines at computation nito para sa kasalukuyang school year dahil wala pang desisyon si Pang. Duterte kung kailan bubuksan ang susunod na school year.
8. Idinulog din ng ACT ang mga usapin hinggil sa P300 monthly Communication Expense Reimbursement para sa 2020 na hanggang ngayon ay hindi nakukuha ng mayorya ng mga guro, status ng mga probationary teachers at mga atake sa ACT Unions na ginagawa ng NTF-ELCAC. Nagkomit ang DepEd na magkakaroon ng hiwalay na diyalogo hinggil dito.

Nagpapasalamat tayo sa DepEd at CSC sa pakikipag-usap sa ACT at pagharap sa napakahalagang usapin na ito. Inaasahan nating panghahawakan ng mga ahensya ang kanilang mga komitment sa naganap na pag-uusap. Tuluy-tuloy tayong magbabantay at palalakasin pa ang ating mga makatarungang kahilingan.

Source: ACT-Philippines

 FREE TO DOWNLOAD: