Naglabas ang DepEd at Department of Budget and Management (DBM) ng Joint Circular (JC) upang magtakda ng mga alituntunin para sa implementasyon ng DepEd-Office of the Secretary Special Provision No. 11 in the Fiscal Year 2021 General Appropriations Act (GAA) on Cash Allowance.
Sa nasabing JC, ang mga classroom teachers ay makatatanggap ng Php 5,000 cash allowance para sa pagbili ng mga panustos at mga materyales sa pagtuturo, nahahawakan o ‘di nahahawakan; para sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga uri ng pag-aaral, internet at iba pang mga gastusin sa komunikasyon; at para sa kanilang taunang medical examination expense.
"With the help of Congress, the Department is continuously pushing for better financial support for our public school teachers. This year is actually the start of the staggered increase for our teachers’ cash allowance who are truly committed to deliver quality education despite the pandemic," ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.
Ibibigay ang Cash Allowance sa mga nararapat na mga pampublikong guro na hindi mas maaga sa opisyal sa pagbubukas ng taon ng pag-aaral, o naaayon sa pagpapasya ng Kalihim ng Edukasyon o itinalagang mga awtoridad sakaling may mga emergencies.
Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla mentioned that the date of the opening of classes is important for the release of the Cash Allowance.
Binanggit ng Pangalawang Kalihim sa Pananalapi Annalyn Sevilla na ang petsa ng pagbubukas ng klase ay mahalaga para sa mamahagi ng Cash Allowance.
“Importante po na magkaroon tayo ng desisyon kung kailan yung susunod na school year calendar dahil ihahanda din po namin sa finance ang pagbibigay ng cash allowance para sa ating mga guro. Last year, it is P3500, but this year this is now P5000. Also there is transportation and teaching aid allowance for our Alternative Learning Service teachers,” ayon Pang. Kal. Sevilla.
Ang circular ay sumasakop sa lahat ng permanente at mga pansamantalang pampublikong mga guro, kasama ang mga Alternative Learning System (ALS) Mobile at District ALS Coordinators (DALCS), sa lahat ng pampublikong elementarya, junior, at mga senior high schools, at community learning centers.
Kaugnay nito, ang mga guro na nasa serbisyon ng Kagawaran sa simula pa lamang ng unang araw ng taong panuruan hanggang sa 30 na araw matapos ang pagsisimula ng SY ay entitled sa full cash allowance, samantalang ang mga guro na nagsimula ng tungkulin na lampas na sa 30 na araw makaraan ang pagsisimula ng klase ay entitled sa pro-rata basis.
Samantala, ang mga pampublikong guro na walang teaching load, absence without leave, mga nasa indefinite leave of absence, maternity leave, study leave, guilty sa anomang pagkakasala na may kinalaman sa kanilang trabaho, at mga wala na sa serbisyo sa opisyal na simula ng taong panuruan ay hindi na nararapat na mabigyan ng cash allowance.
Subalit, sa mga nagpatuloy ng kanilang tungkulin makaraan ang kanilang leave at naatasan ng kahit isang teaching load sa kasalukuyang SY ay magiging entitled sa cash allowance sa pro-rata na basihan.
Ang pro-rated payment ng Cash Allowance ay ibabase sa petsa ng pagsisimula ng katungkulan mula sa petsa ng pagbubukas ng klase.
Sa mga nagsimula ng tungkulin sa loob ng unang 30 na araw ay makatatanggap ng 100% na allowance na nagkakahalaga ng P5000; 80% o P4000 para sa mga makaraan ang unang 30 araw ngunit hindi lalampas sa 90 na araw; 50 % o P2500 sa mga makaraan ang 90 na araw ngunit hindi lalampas ng 150 na araw; at 20% o P1000 para sa mga makaraan ang 150 na araw hanggang magtapos ang taong panuruan.
Source: DepEd Philippines
FREE TO DOWNLOAD:
0 Comments