Free to download: 1st to 4th SLM - Kinder to Grade 12 | New RPMS Covers | Photoshop and Word Format
Pagkatapos na maipasa ito sa Kongreso sa pangunguna ng ACT TEACHERS PARTY LIST.Nagsimula na sa Senado,kasama ang ACT PHILIPPINES, PPSTA, COURAGE , CSC,DBM at GSIS sa pagtalakay sa mga dahilan kung bakit yama at napapanahon na maibaba ang retirement age sa mga nais ng mag retire ng 56yo at kagyat na maibigay ang kanilang pension. Sinang-ayunan ito ng 2 dalawang senador at ng ibat ibang ahensya maliban sa GSIS na nagsabi na bababa ng 4 na taon ang Actuarial life mula 2044 to 2039-2040 batay sa kanilang 2019 finance update.
Mailinaw na nailatag ng ACT Philippines ang mga batayan sa pagpasa ng batas na ito.
1.May mga limitasyon na ang mga gurong senior citizen sa usapin ng pagkilos, kaalamang pang teknolohiya at, pag handle ng stress lalo na sa panahon ng pandemya.
2. Naihapag din natin ang kahirapan na makasabay ang mga senior teacher sa kalagayan ng edukasyon sa NGAYON, gaya ng laki ng class size, teaching hours, mga report etc na hirap na sila na imanage ito.
3. Bigyan natin sila ng option na makag retire,na pagkatapos nilang maibigay ang lakas at talino sa ating mga kabataan at sa edukasyon ang mahigit ng 3 dekada ng kanilang lakas at kabataan.
4.Bakit pwede ito sa mga pulis at militar , bakit hindi sa mga pampublikong EMPLEYADO?
5. Kung mag retire man ang ating mga senior ay mapapalitan din naman agad ito ng mga batang guro na naghihintay lang ng mga bakante at pagkakataon na makapagbigay din sila ng ambag sa mga kabataan at sa edukasyon.
5. Panghuli nasabi natin na ang " SERBISYO SA MGA MYEMBRO AY WAG GAWING NEGOSYO".
Download for free: Editable Certificate Templates | PowerPoint And Photoshop Format
Para sa mga guro at bayan,
JOSELYN FEGALAN MARTINEZ
ACT Philippines
Source: Qcpsta Teachers
0 Comments