Sisimulan ang isang buwang aktibidad na ito upang masiguro na ang lahat ng paparating na mag-aaral ay nakarehistro sa taong panuruan at para maging handa ang Kagawaran sa mga posibleng isyu at problema na maaaring umusbong tungkol dito, ito ay nakabatay rin sa DepEd Order No. 3, s. 2018, o ang Basic Education Enrollment policy.
“All incoming Kindergarten, Grades 1, 7, and 11 in public elementary and secondary schools shall pre-register to allow the Department to make necessary preparations and incoming plans for the coming school year,” ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.
Binigyang-diin ng Kalihim na ang mga nasa Baitang 2-6, 8-10, at 12 ay ikinokonsidera nang pre-registered at hindi na kailangan pang sumali sa early registration.
Ipinag-uutos ang early registration sa lahat ng pampublikong paaralan habang opsiyonal lamang ito sa mga pribadong paaralan, subalit, mandato rin ng mga pribadong paaralan na ipatupad ang kautusan na Kindergarten cut-off age sa ilalim ng DO No. 20, s. 2018.
Samantala, pinaalalahanan naman ng DepEd ang lahat ng paaralan at ang publiko na sumunod sa mga precautionary measures laban sa COVID-19 sa magaganap ng early registration.
“In the context of the prevailing COVID-19 public health emergency, the conduct of early registration shall be done remotely in areas under General Community Quarantine (GCQ). In-person registration through parents or guardians may be allowed in areas under Modified General Community Quarantine (MGCQ) provided physical distancing and health and safety protocols are strictly observed,” dagdag ni Briones.
Noong nakaraang taon, sa pagtalima sa physical distancing at community quarantine measures, nagsagawa ang Kagawaran ng remote enrollment sa unang dalawang linggo ng buwan. Sa ikatlong lingo, isinagawa ang physical enrollment katuwang ang lokal na pamahaalaan at sa tulong ng physical enrollment platforms na itinakda ng mga paaralan.
Sa mga nakaraang taon, bumuo ang regional at schools division offices ng mga grupo na mangunguna sa mga advocacy campaigns. Nagtalaga ang bawat paaralan ng early registration desks, kung saan may nakatalagang tao para sa pagpaparehistro. Nagsagawa rin sila ng mga house-to-house campaigns, pamimigay ng mga print materials, social media information campaigns, at pakikipag-ugnayan sa mga magulang, barangay officials, civic at people’s organizations, at iba pang mga stakeholders.
Inilunsad ang Early Registration upang makatulong sa Kagawaran na makita ang inaasahang bilang ng magpapatala sa darating na taong panuruan at itinatalaga rin ayon sa DepEd Order No. 3, s. 2018, o ang Basic Education Policy.
Bukod sa mga paparating na mag-aaral sa Kinder at Baitang 1, 7, at 11, hangad din nito na mahanap, makilala, at irehistro ang mga out-of-school-youth at mga bata na may kapansanan; nakatira sa off-grid community; namamalagi sa mga barangay na walang paaralan; nakatira sa geographically isolated area; na-displace dahil sa mga sakuna; nakatira sa mga armed conflict area; namamalagi sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng kriminalidad/pag-abuso sa droga; mayroong chronic illness; mayroong nutritional problems; biktima ng pang-aabuso at economic exploitation; stateless/undocumented; in conflict with the law; naninirahan sa lansangan; at mga kabataang wala na sa paaralan subalit nais bumalik sa pag-aaral.
Ang kampanya para sa early registration ay sumisiguro sa karapatan ng lahat ng school-aged na mag-aaral na magpatala at mabigyan ng dekalidad, naaabot, nararapat, at mapagpalayang basic education.
0 Comments