Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi magiging “matter of choice” ito para sa mga guro lalo na kung magiging bahagi ng protocol sa face-to-face classes ang pagpapabakuna.
Dagdag pa ni Malaluan, nakapagsagawa na ang kagawaran ng survey para malaman ang opinyon ng mga guro hinggil sa vaccination program.
Umapela naman ni Senator Sherwin Gatchalian sa DepEd na pilitin ang gobyerno na i-angat ang mga guro sa priority list.
Batay sa kasalukuyang priority list ng pamahalaan, ang mga guro ang babakunahan pagkatapos ng frontline health workers, senior citizens, persons with comorbidities, uniformed personnel at indigent population.
Matatandaang hindi sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face-to-face classes habang nakabinbin ang vaccine rollout.
0 Comments